Feed on
Posts
comments

Hepe ng DAR hinabol ng protesta

Kalimitan, hinahabol ng mga magsasaka ang hepe ng Department of Agrarian Reform (DAR). Ito ay dahilan sa pagpupursigi ng mga magsasaka sa tunay na agraryo.

Pero kamakailan ay naiba ang isyu na sinusuong ng kasalukuyang hepe ng DAR na si Secretary Nasser Pangandaman, Sr. Pangunahing pagkakamali ng tauhan na ito ni Gloria ay ang ‘di pagaksyon sa nakikita niyang kalokohan ng kanyang anak at mga bodyguard nito.

Nagkaroon ng ‘di pagkakaunawan umano sa isang golf course sa Antipolo. Kung paano nasabi ang mga nasabi sa golf course ay ‘di na mahalaga dahil sobrang nakakagigil ang mga sumunod na nangyari. Sa blog ng anak at kapatid ng mga biktima, binugbog ng anak ni Pangandaman kasama ang mga bodyguards nito ang mag-amang Dela Paz. Ang nakababatang Dela Paz ay 14 na taong gulang lamang.

Sa blog ni Bambi Dela Paz, sinabi niya na:

My brother and I were playing golf at the South Course of Valley. We were on the 3rd hole, and we see two golf carts going past us, overtaking our flight, and setting up to tee off on the next hole. My dad goes up to them and asks them why they would do that, why they would overtake us without even asking for our permission. Golf etiquette 101. One of the guys says that they’re with the flight in front of us. (So what? That doesn’t give them the right to just pass us WITHOUT asking.) So, we go to the 5th hole. The flight behind us catches up with us, and asks us what caused the hold up. We said that this flight just slipped in front of our flight. So we complained to the marshall. We play the 5th hole and walk towards the next hole, where there is a teehouse, and both the flights in front of us were there, talking with the marshall. The mayor of Masiu City, Lanao del Sur talks with my dad. Things get heated up. Voices were raised. But never, in my wildest dreams, did I ever imagine that someone would pull out a punch. Apparently not. He attacks my father. His flightmates, maybe 2 or 3 of them, rush to his aid and beat up my father. My 56-year-old father. My younger brother and I could not just watch. We rushed to break the fight. My younger brother pleads to the mayor to please stop it. To not hurt my dad. To just stop. His words still ring through my head… “Sorry na po, sorry na po…tama na…tama na po…” With his hands in front of his chest in a praying position. PLEADING. The mayor socks him in the face. My brother defended himself. My dad is still on the ground getting clobbered. My brother is the same way. I try to stop the fight, but all I can do is stop one person. There were 4 or 5 of them attacking now.

Marami na ang nagblog tungkol sa insidente at kung maalam mag-internet ang mag-ama ay magugulat sila sa dami at laki ng reaksyon sa blogosphere tungkol sa nangyari. Madami ang tumatawag na mag-resign ang mag-amang Pangandaman, kahit wala silang nararamdaman na pagsisi. May kaso silang sinampa laban sa mag-ama na sinasabi na sila ang nanakit pero sa makikita ng ilang Pinoy na kababayan natin, tignan na lang kung sino ang sugatan.

Mahiya sana ang mag-amang ito, mag-resign na kayo.

Ang regalo ng Pag-ibig

Itong linggong ito ay nagpadala ako ng email para sa kaibigan ng pamilya ko kasama na ang ibang kamag-anak (paki-check na lang po kung napapunta sa spam filter ng email ninyo ang sulat). Ang mensahe ay maituturing na ‘generic’ pero sigurado ako na ang mensahe ay mula sa puso. Inaasahan mo malimit ay maganda ang isasagot ng pinagpadalahan mo pero hindi.

Hindi ko na idedetalye kung ano’ng ‘di kanais-nais na sagot ang natanggap namin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagkaroon ng ganuon na sagot ang isang sulat na buong puso na pagbati ng kapaskuhan. Pero may nabasa ako sa Inquirer.net tungkol sa editorial nila sa Pasko, tinamaan ako kahit paano lalo na ang sumusunod na talata:

A letter full of love and expressions of appreciation and thanks would do more wonders than a “commercial” mass-produced holiday greeting card. During the daily rat race we often do not have time to exchange pleasantries, to ask how someone is doing, to tell someone that you care for him or her. Christmas should be a time to write that letter that will tell someone that he or she is loved, that one cares sincerely about his or her welfare and state of health. (Makakagawa ng himala ang isang liham na puno ng pag-ibig at damdamin ng pagapupuri at pasasalamat kumpara sa isang nabili lamang na tarheta ng pagbati. Sa pagiging abala natin, wala na tayong panahon para makipagkumustahan, para itanong kung kumusta na ang isa’t-isa o sabihin kung paano natin kinakalinga ang bawat isa. Ang pasko ay dapat panahon para sumulat ng liham na magsasabi kung gaano natin kamahal ang isa’t isa at kung paano tayo nag-aalala sa kalusugan at kalagayan ng isa’t-isa).
Ngayon, ‘di naman sa pinagtatanggol ko ang pagpapadala ko ng ‘generic’ na sulat sa mahigit na 250 na kaibigan namin, pero sa panahon ngayon, ito ang pinakapraktikal na gawin.
Subalit, tumitigil ang ‘generic’ na pagbati sa oras na sumagot ang kaibigan o kamag-anak na yon.

Ito ang panahon para masusing makipagkumustahan, alamin kung ano na ang nangyayari sa kaibigan namin at ipa-alam kung ano ang nangyayari sa amin. Sa ganito’ng paraan ay naigagalang ko ang buhay ng aming mga kaibigan at kamag-anakan.

Salamat sa Diyos dahil sa Internet at kamakailan sa mga tinatawag na ’social network’ gaya ng multiply, friendster, facebook atbp. Puwedeng makipagkumustahan sa isa’t-isa kahit ‘di tuwirang kinukulit ang kaibigan mo, busy na nga rin kasi subalit sigurado naman may panahon kung magkaroon ng direktang pakikipagtalastasan, online man o sa ibang paraan.

Sa ‘di inaasahang sagot, tuwiran ko’ng siniguro ang nagpadala ng sulat na may higit pa sa ‘generic’ na email at sila ay ‘di nalimutan.

Bueno, baka paso na ito pero 167 kayo’ng nandito sa Friendster kaya sasabihin ko na rin…

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Automattic help!

Ngayong araw na ito halos 100 na spam comments at trackbacks ang na-receive ng blog na ito.

Masaya na sana na wordpress platform na blogs ng Friendster, kaso parang medyo nag-tipid at di kumpleto ang pagbili sa software–wala Automattic! ‘Mannual’ lang ang meron sa Friendster Blogs! *sigh* :( nakakalungkot naman Ernie Baron!

Kinasal na ang kapatid ko

Kamakailan ay kinasal na ang aking kapatid na lalaki, si Jojo, sa matagal na niyang katipan na si Dulce. Kinasal sila sa Italy at bagamat wala ni isa mula sa mga Caro para dumalo ay masayang-masaya kami na natupad na ang matagal na hiling ng pamilya ang magpakasal na ang dalawa. :)

Kinasal sila sa isang civil wedding ceremony at ako’y natutuwa sa ganda ng pagdidiwang ng kanilang kasal. Sa Pilipinas kasi ang civil wedding ay napaka-simple kung ikukumpara sa kasal sa simbahan. Nang makita ko ang mga litrato ng kasal ng aking kapatid at ni Dulce ay tuwang-tuwa ako sa ganda ng simpleng seremonya. Astig ang porma ng kapatid ko at maganda rin ang kanyang maybahay.

Jojo and Dulce after their most awaited union.

Jojo and Dulce matapos ang pinakaabangan nilang kasal.

Kina Jojo at Dulce, pagpalain kayo ng Diyos at ninanasa namin na makabisita sa inyo para personal kayo na mabati sa bagong yugto ng inyong buhay!

Pasko na…

Pasko na. Salamat sa Diyos at medyo malamig pa naman ng konti dito sa Perth. Last year kasi, kakapasok pa lang Disyembre–saksakan na ng init at sunog na sunog talaga ako. Minsan lang naman nag-45 degrees celsius noong isang taon. Pero sana ngayon wag naman masyado… :)

Sa pasko, sigurado, dito ninyo kami makikita…

Masakit ang katotohanan

Masugid ako’ng tagahanga ni G. Howie Severino, isang mahusay at batikang mamamahayag. Kamakailan ay may sinulat siya sa kanyang blog na ayon sa asawa niya ay ‘nagbukas ng maraming lata ng uod.’

Napansin ko na ang mainitang balitaktakan sa isang nauna niyang artikulo na tinatalakay ang isyu ng pagiging racist ng ilang Pinoy. May ilan sa mga nagpapalitan ng opinyon ang pilit na sinsabi na ‘di isyu ng lahi o kulay ang pinupunto nila pero suriin mo ang kanilang mga opinyon at makikita mo na may malalim na galit or pagkamuhi sa mga pahayag.

Well, dito sa Australia, ramdam na ramdam yan. May mga Pinoy dito na ‘mataas’ ang estado sa atin pero pagdating dito ay parang frustrated sa kanilang estado na ‘di na nila magawa ang dati nilang ginagawa. ‘Di naman nila maibunton ang kanilang sama ng loob sa ibang lahi dito lalo na sa mga puti, kung kaya’t ang mga pobreng Pinoy ang malimit buntunan ng galit.

Tawagin na lang natin ang isa sa mga naapi na Iska. Pumasok siya sa isang kumpanya para kumita nang maayos. May Pinoy doon bago siya pumasok. At ramdam ko na nang pumasok si Iska ay pakiramdam ng Pinoy na iyon ay SIYA ang nagpasok kay Iska. Malimit utusan si Iska kahit break niya, at lagi nagagalit kapag masaya si Iska at ang barkada niyang puti at mga Pinoy. Kahit lumabas na ng kumpanya si Iska, lagi pa ring may say si Pinoy at naisusumbong sa mga kataas taasan na may ginagawang mali sa kumpanya bagamat wala naman. May angking galing ang Pinoy hindi sa trabaho kundi sa paggawa ng bintang at problema sa ibang tao.

Maaring ‘di racism ito o talaga ba’ng malalim na sa kultura natin ang pagiging mainggitin? Kung ano ito, sana mawala na.

_________________________________________________

To my English speaking friends, please head to my multiply blog for the English version of this post. :D

May mahirap din kahit dito

Kung inaakala ninyo na puro sarap ang nasa abroad, buweno nagkakamali kayo. Ang ilan sa mga manggagawa na dumayo dito ay nakakaranas din ng kahirapan, ‘di lang dahil sa abuso at marami pang isyu sa trabaho at pamamalagi na malayo sa pamilya.

Pero magugulat kayo dahil kalimitan naiisip ng mga Pinoy na walang mahirap sa mga bansang mayayaman tulad ng Australia. Mayroon din.

Sa tindi ng isyu ng kahirapan sa mundo, ito ang pangunahing layunin ng UN sa  millennium development goals nito. Sa isang lathalain ng Asian Development Bank, sinasabi na ang ugat ng kahirapan sa Pilipinas ay macroeconomic issues; kawalan ng trabaho; paglaki ng populasyon; problema sa agrikultura; pamamahala; giyera at isyu sa kalusugan.

Kamakailan ay nanguna ang Australia bilang pinakamaunlad na bansa sa buong mundo pero maniwala kayo o hindi, tunay ang kahirapan kahit sa isang mayaman at pinagpalang bansa tulad ng Australia.

Maaring ang kahirapan ay kakulangan sa sahod (income poverty) pero sa taas kasi ng living standard dito, yung mahirap dito ay malamang average earning income family na pagdating sa atin.

Ang kaibahan nga lang ng mahirap sa isang ‘first world country’ ay may gobyerno na patuloy na tumutulong at sigurado na may tulong na darating (government grants and allowances). Mahirap man sa isang mayamang bansa o hindi, dapat ay mawala ang kahirapan.

Iniisip ko nga siguro, mag-umpisa tayo sa mga CEO ng mga bumagsak na kumpanya sa Wall Street. Mantakin ninyo, yung isang CEO, nalulungkot daw siya at ‘di daw niya maubos maisip kung paano maiiwasan ang pagbagsak ng kumpanya niya dahil sa laki ng mawawala sa kanya–quote ng report, mula sa kanyang net worth na mga US$450M ay magiging US$380M na lang daw ang net worth niya :( ay kawawa…

Siguro dapat mangyari ay katulad ng ending ng Fun with Dick and Jane–i-donate ng mga CEO na yan ang parte ng kanilang bonus at sahod para maisalba ang ekonomiya ‘di lang ng US pero ng ibang bansa.

High School Life…

Haay naku, salamat kay Ren-Ren at may nahukay pa ako ng mga litrato ng nakaraan. Wala ako naingatan na litrato namin noong high school kaya nang makita ko na na-upload ng kaklase ko ang ilan, tuwang-tuwa ako.

Well, sarap balikan. Akala ko sa pelikula lang sinasabi, pero simple talaga buhay nun. Pinakamalaki mo na problema ay ang crush mo na ‘di mo masabi-sabi na gusto mo siya or ang pimple mo na tumubo sa dulo ng ilong mo at hinog na hinog na. Maraming problema ako’ng naalala nun na ‘di malilimutan na kala ko nun ay napakabigat.

Well, sabi nga ng kaibigan ko–never underestimate the burden that any person is carrying. Pinaliwanag niya na pare-pareho lang ng bigat ang mga problema natin, iba’t-iba lang hitsura, so walang makakapagsabi na mas magaan ang problema ko sa iyo dahil hanggang doon lang ang kaya natin, hanggang doon lang ang kaya nila.

Heniway… ‘di yan ang topic ng post na ito pero ang alaala ng nakaraan. Bakit nga ba high school ang pinakamasarap na parte ng buhay estudyante?? :D

Ano ba yan?!

Malaki paggalang ko sa taong ito, may parang mali sa litrato’ng nakita ko sa abs-cbnnews.com. Heto ang link, ‘di puwede kasi i-post ang larawan dito eh.

Siya ba ang nagsulat ng Bibliya??? :(

Malapit na ang katapusan

Depende kung ano ang konteksto mo marinig ito, ang talatang (tama ba for sentence?? nalimutan ko na!) ito ay maaring tanggapin bilang masayang pagtatapos o isang nakakatakot na katotohanan.

Kamakailan ay may isa akong kaibigan na pumanaw, sa puntong ito ‘malapit na ang katapusan’ ay isang katotohanan na malungkot at nang marinig ko kung paano siya pumanaw–isang napakasakit na katapusan.

Alam na siguro na ninyo na may isang artista kamakailan ang nabalitaan na may kanser. Sa iba, ‘malapit na ang katapusan’ talaga kapag ito ay nabalitaan, pero humanga ako sa tibay ng artistang ito sa kung paano niya tinanggap ang balita. Naiisip ko malamang may takot din sa mangyayari–hirap isipin, dami pa naman niya anak. Naisip ko din ayos na rin na sa kanya nangyari para magkaroon ng pansin ang sakit na ito sa Pinas, madali din sa kanya ang mag-ipon ng pera para sa pagpapagamot (fund raising, etc. pero siyempre sa ordinaryong pinoy na magkaka-kanser, ang isang ‘fund raising’ ay isang malayong posibilidad–so, masuwerte pa rin ang artistang ito).

Bueno, ‘malapit na sa katapusan’… kapag malapit na ang katapusan mo, may magbabago ba sa pananaw mo sa buhay? Sa gagawin mo? Sa bawat salita na lumalabas sa iyong bibig. Sa artistang ito, marami ang nagbago. Pangit ang imahe niya nung dekada 90–kesyo nagdu-durog daw–siguro juts lang (’di ako naniniwala na nagkaroon siya ng seryosong bisyo sa droga) pero ngayon, hayagan niyang sinusulat ang kanyang pananampalataya.

Ngayon, kung dati na siyang naniniwala o nananampalataya, ay ‘di ko alam. Pero isang magandang balita itos bagamat parang ‘malapit na ang katapusan.’

« Newer Posts - Older Posts »