Ano ba ang darating???
September 2, 2009 by Jim
Nakita ko lang ito sa Youtube.
Ang galing ng sinematographo (tama ba Filipino ko para sa cinematography?). Pero nakakaintriga kung ano ang darating. ‘Di ko alam kung may bago ba’ng superhero na parating o show o serbisyo mula MERALCO??
Pano, Apokalipto ang pangalan nung superhero. Alam naman natin na kapag apocalypse ay katapusan na pero ang usapan nung bata at nung superhero ay parang ‘pag-asa.’ ‘Empowerment’ nga agad naisip ko nang sabihin nung superhero. Pero maganda yung mensahe, ‘tulungan ang iba na matulungan ang sarili nila.’
Sa akin, dapat ganito ang pagbabago, ang pag-asenso. Bueno, kung para sa isang bagong palabas o NGO ang ‘teaser’ na ito, abangan na lang daw. ![]()