Steaming off (read: utot!)
August 28, 2009 by Jim
Nagdesisyon ako na dito na lang i-post ito dahil kaunti lang sa mga kaibigan ko (kung mayroon man) ang talagang nagbabasa ng blog na ito at maliban sa ilang blogger na dumadaan-daan. Buweno, heto na.
Sa mga tao’ng nakakakila sa akin, ‘di ako talaga ganito. Ang pagkakakilala ko sa sarili ko ay masayahin ako, positibo at hangga’t maari maayos ang lahat ng tao, kahit sila pa man ang pinakamasama sa buong mundo. Ibig ko sabihin, kung may friend pleaser, ako ang numero uno! Pero minsan, kapag may namumuwerhisyo sa akin, ibang usapan.
May kaibigan na nagsabi sa akin dati na insensitive ako minsan, OK. Mahirap kasi ako makapansin na mali na pala nagawa ko o nasabi ko, pero madali ako umamin sa mali at humingi ng paumanhin. Makapal din ang ‘apog’ ko kapag tinutuya ako unless may magsabi sa akin na iniinsulto ako, then saka ako mag-se-sensitive mode.
Well, maglalabas lang ng sama ng loob. Kung ‘di ko kayo sagutin, pasensya na, utot lang ito:
May mga tao na kahit ano’ng ganda ng intensyon mo sa buhay, ang tingin sa iyo “napakanegatibong tao mo talaga!”…
May punto pa na kahit pagmamahal mo sa bayan ay tatanungin dahil sa desisyon mo’ng umalis. Nalimutan din na minsan sa buhay nila, naging malaki ka’ng tulong pero iba ang pinaniniwalaang realidad sa buhay. May sariling mundo…
May pagka-ere ang pinaparamdam (naramdaman mo na ba yun, na parang napakayabang naman ng tao’ng ito)–uyy tibak ako, alam ko ito, marami ako kontak dito, nakapagsalita na ako diyan, nagtrabaho na ako diyan, sipsip ako diyan…
Kahit ano’ng sistema gawin mo, intindihin ang kapwa na ito, makisama, maging maayos, sigurado sasablay lahat ng gagawin mo…
Dahil ‘napakanegatibo mo’ng tao’ at ‘mas makabayan ako sa iyo!’