
Sabi ng isang sikat na potograpo, madaling kumuha ng litrato pero mahirap kumuha ng larawan (It is easy to take pictures but it is difficult to turn it into photograph).
Mahilig po ako kumuha ng litrato, kung kaya’t nang magkaroon ng pagkakataon na makabili ng DSLR ay ginawa ko po ito. May blog po ako kung saan nilalagay ko ang ilan sa mga kuha ko.
Naaalala ko nung kolehiyo, sabi ko sa adviser ko, kukuha ako ng potograpiya na unit pero sabi niya ay puwede naman daw ako kumuha ng short courses. Sumakabilang buhay na siya, ‘di ko na nagawang kumuha ng short course on photography kung kaya’t ang aking pagnanasa na maging hobbyist photographer ay purong sariling aral lamang. Ngayon, kung tama o mali ang teknik ko, ayos lang dahil masaya po ako, kapag na-upload ko na ang mga larawan na aking nakukuha dito at doon. ![]()
Bisita po kayo sa Koleidoscope (mali spelling, puntahan ninyo na lang para sa paliwanag)