Nagso-solicit lang po
May 26, 2009 by Jim
Kamakailan ay sumali sina Nique at Nira sa isang pagkilos sa kanilang paaralan. Ang layunin ng nasabing pagkilos ay maka-ipon ng pondo para sa Heart Foundation ng Australia. Natututo sina Nique at Nira tungkol sa tamang paraan para mapanatiling malusog ang puso at palaging mag-ehersisyo.
Mas maganda po sana kung matutulungan po ninyo sina Nique at Nira, excited na excited sila na makatulong kung kaya’t kahit saan ay nakikiusap ako sa mga kaibigan ko na tumulong.
Kung nais po ninyo tumulong ay i-click lang po ang imahe sa ibaba. Kung ma-sponsor po ninyo silang dalawa ay mas maganda po kung ‘di man po ay kahit isa lang at kung ‘di po ninyo makakaya na mag-sponsor ay amin po’ng ikagagalak na maikalat po ninyo ang balita tungkol sa pagkilos na ito nila Nique at Nira. ![]()
Maraming salamat po.


