Panawagan sa mga OFWs o expat na Pinoy
March 27, 2009 by Jim
Sa susunod na taon ay boboto ang karamihan ng Pinoy para sa susunod na Pangulo ng bansa at iba pang pambansang posisyon gaya ng senador, kinatawan atbp. Mahigit 1 milyon ang Pinoy na nasa ibang bansa at salamat sa batas na bahagya pa rin naipasa, ang RA 9189 or The Overseas Absentee Voting Act of 2003, makakaboto tayong mga Pinoy na wala sa Pinas
Kung malapit kayo sa isang konsulada o embahada ng Pilipinas, maari po kayong magrehistro hanggang 31 ng Agosto 2009. Heto po ang mga kailangan:
- Pasaporte
- Nakumpleto na application form
- Pagbibigay ng detalyeng biometriko
Ang mga dating Pinoy po na muling naging Filipino sa pamamagitan ng dual citizenship ay kinakailangan pong magdala ng papeles na patunay na may dual citizenship po sila. Para sa mga maglalayag ay kailangan po nilang dalhin ang kanilang seafarer’s book.
Kamakailan po ay kinontak ko ang embahada natin dito sa Australia at kanila pong sinabi na kung makakahikayat po ako ng mga 200 Pinoy para magrehistro ay sila mismo ang pupunta dito sa Perth para ayusin ang pagproseso ng ating aplikasyon.
Kung gusto po ninyo mapabilang sa 200 na ito ay mag-iwan po kayo ng komento o i-email po ninyo ako sa blogbastic (at) gmail.com iwan po ninyo ang inyong mobile phone number para masigurado ko po na tunay na tao po kayo. ![]()
Maari din po kayo makipagugnayan kay G. Gerald Donnelly, ang konsul general natin dito sa Perth.
Magrehistro at mapabilang! ![]()