Tagsibol sa Timog Australia
September 12, 2008 by Jim

Pinagdidiwang dito sa Australia ang araw ng mga tuwing unang linggo ng Setyembre. Medyo nalilito ang mga bata, pati na rin siguro ako, dahil sa Thailand, ang araw ng mga ama ay pinagdidiwang sa kaarawan ng Hari ng Thailand–Desiembre 5. Sa Pilipinas, tuwing unang linggo ng Hunyo, katulad siguro ng mga amerikano.
Ang galing ng nangyari nitong nakaraan araw ng linggo dahil pumasyal kami sa King’s Park. Nagkataon na Spring Festival at napakaganda ng araw–’perfect weather’ ika nga. Ito ang gustong-gusto ko dito sa Perth, malimit ang napakagandang panahon, ‘di mainit at ‘di rin naman masyado malamig–sa dahilan na tagsibol na nga.
Tuwang-tuwa ang mga bata dahil nakapasyal kami sa park at siyempre nagawa namin ang gusto naming gawin–ang magkukuha ng litrato dito at doon.
Habang naglalakad kami sa park, napakasarap isipin na maayos ang buhay dito sa Australia, labas lang ang pamilya, dala ng pagkain–ayos na ang piknik, ‘di na kailangang pumunta pa sa fast food o anumang kainan. May libre din naman na lutuan na puwede for barbeques. ![]()
Sir maitanung ko lang, kamusta po ang buhay sa Perth? Dyan po kasi ako magtratrabaho itong darating na Septyembre. Salamat po.
Hi Dizzy, ayos naman buhay dito sa Perth. Kumpara sa ibang lungsod dito sa Australia, mas tahimik dito pero medyo mahal ang mga bilihin kumpara sa ibang state. May iba ring nagre-reklamo na mas mataas ang pasahod sa ibang state. pero sa pangkalahatan, magandang magtrabaho at manirahan dito. kailangan mo nga lang masanay sa tahimik na buhay dahil wala masyado malls at pasyalan na tulad diyan sa atin.
Kung nature lover ka, nasa paraiso ka.