Feed on
Posts
comments

Lumulubog

‘Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon.

Pero isa lang ang naghahari sa aking damdamin, ang aking naiisip–bawat oras na natututo ka, lalo mo nakikita kung gaano ka kamangmang sa mga bagay.

ayos lang siguro kung ganito ang maramdaman mo kung sa Diyos ang tuon ng damdaming ganito, yun ay, habang nakikilala mo si Kristo mas lalo mo nakikita na wala ka lang mas gusto mo na Siya ang maghari. Ngayon, kung yung huli ang kaso, siguro magaan ang pakiramdam ko ngayon. Pero hindi…

Ano ba ang darating???

Nakita ko lang ito sa Youtube.

Ang galing ng sinematographo (tama ba Filipino ko para sa cinematography?). Pero nakakaintriga kung ano ang darating. ‘Di ko alam kung may bago ba’ng superhero na parating o show o serbisyo mula MERALCO??

Pano, Apokalipto ang pangalan nung superhero. Alam naman natin na kapag apocalypse ay katapusan na pero ang usapan nung bata at nung superhero ay parang ‘pag-asa.’ ‘Empowerment’ nga agad naisip ko nang sabihin nung superhero. Pero maganda yung mensahe, ‘tulungan ang iba na matulungan ang sarili nila.’

Sa akin, dapat ganito ang pagbabago, ang pag-asenso. Bueno, kung para sa isang bagong palabas o NGO ang ‘teaser’ na ito, abangan na lang daw. :)

Steaming off (read: utot!)

Nagdesisyon ako na dito na lang i-post ito dahil kaunti lang sa mga kaibigan ko (kung mayroon man) ang talagang nagbabasa ng blog na ito at maliban sa ilang blogger na dumadaan-daan. Buweno, heto na.

Sa mga tao’ng nakakakila sa akin, ‘di ako talaga ganito. Ang pagkakakilala ko sa sarili ko ay masayahin ako, positibo at hangga’t maari maayos ang lahat ng tao, kahit sila pa man ang pinakamasama sa buong mundo. Ibig ko sabihin, kung may friend pleaser, ako ang numero uno! Pero minsan, kapag may namumuwerhisyo sa akin, ibang usapan.

May kaibigan na nagsabi sa akin dati na insensitive ako minsan, OK. Mahirap kasi ako makapansin na mali na pala nagawa ko o nasabi ko, pero madali ako umamin sa mali at humingi ng paumanhin. Makapal din ang ‘apog’ ko kapag tinutuya ako unless may magsabi sa akin na iniinsulto ako, then saka ako mag-se-sensitive mode.

Well, maglalabas lang ng sama ng loob. Kung ‘di ko kayo sagutin, pasensya na, utot lang ito:

May mga tao na kahit ano’ng ganda ng intensyon mo sa buhay, ang tingin sa iyo “napakanegatibong tao mo talaga!”…

May punto pa na kahit pagmamahal mo sa bayan ay tatanungin dahil sa desisyon mo’ng umalis. Nalimutan din na minsan sa buhay nila, naging malaki ka’ng tulong pero iba ang pinaniniwalaang realidad sa buhay. May sariling mundo…

May pagka-ere ang pinaparamdam (naramdaman mo na ba yun, na parang napakayabang naman ng tao’ng ito)–uyy tibak ako, alam ko ito, marami ako kontak dito, nakapagsalita na ako diyan, nagtrabaho na ako diyan, sipsip ako diyan…

Kahit ano’ng sistema gawin mo, intindihin ang kapwa na ito, makisama, maging maayos, sigurado sasablay lahat ng gagawin mo…

Dahil ‘napakanegatibo mo’ng tao’ at ‘mas makabayan ako sa iyo!’

Litrato

Sabi ng isang sikat na potograpo, madaling kumuha ng litrato pero mahirap kumuha ng larawan (It is easy to take pictures but it is difficult to turn it into photograph).

Mahilig po ako kumuha ng litrato, kung kaya’t nang magkaroon ng pagkakataon na makabili ng DSLR ay ginawa ko po ito. May blog po ako kung saan nilalagay ko ang ilan sa mga kuha ko.

Naaalala ko nung kolehiyo, sabi ko sa adviser ko, kukuha ako ng potograpiya na unit pero sabi niya ay puwede naman daw ako kumuha ng short courses. Sumakabilang buhay na siya, ‘di ko na nagawang kumuha ng short course on photography kung kaya’t ang aking pagnanasa na maging hobbyist photographer ay purong sariling aral lamang. Ngayon, kung tama o mali ang teknik ko, ayos lang dahil masaya po ako, kapag na-upload ko na ang mga larawan na aking nakukuha dito at doon. :)
Bisita po kayo sa Koleidoscope (mali spelling, puntahan ninyo na lang para sa paliwanag)

Migration

Heto na yata ang pangarap ng maraming pinoy. Ang makaalis sa hirap at makarating sa isang lugar kung saan sagana ang trabaho at ang kanilang pagsisigsa ay ‘di mauuwi sa wala.

Sa iba ang daan ay sa pamamagitan ng pag-aaral. Marami niyan dito sa Australia. Pero sa dumating na recession, dumating ang maraming pagbabago kasama na sa migrasyon. Kaya ang dating madaling daan patungo sa ‘permanent residency’ ay naging mahirap na rin, parang butas ng karayom.

Magandang Balita

Mapa-telebisyon, radyo, TV or dyaryo, ang drama o balita na mapapanood mo ay kalimitan ay masama. Kaya nang magkaroon ng Good News Pilipinas, natuwa ako na kahit paano ay may ilan na tumututok sa magandang imahe ng Pilipinas, ‘di lang sa masamang ‘bahagi’ nito.

Dito sa Perth, marami din Pinoy at marami sa kanila ang nagiging inspirasyon ‘di lang ang sa kanilang kapwa Pinoy kundi pati na rin sa mga Aussie dito. Kagaya ni Mel. Narito ang buong istorya, na pinick-up ng Good News Pilipinas.

Mark Harvey, Peter Hudson and Chris Hall of the Fremantle Dockers flocks Mel Olivarez (second from left) during the award ceremonies

Mark Harvey, Peter Hudson and Chris Hall of the Fremantle Dockers flocks Mel Olivarez (second from left) during the award ceremonies

Nagso-solicit lang po

Kamakailan ay sumali sina Nique at Nira sa isang pagkilos sa kanilang paaralan. Ang layunin ng nasabing pagkilos ay maka-ipon ng pondo para sa Heart Foundation ng Australia. Natututo sina Nique at Nira tungkol sa tamang paraan para mapanatiling malusog ang puso at palaging mag-ehersisyo.

Mas maganda po sana kung matutulungan po ninyo sina Nique at Nira, excited na excited sila na makatulong kung kaya’t kahit saan ay nakikiusap ako sa mga kaibigan ko na tumulong.

Kung nais po ninyo tumulong ay i-click lang po ang imahe sa ibaba. Kung ma-sponsor po ninyo silang dalawa ay mas maganda po kung ‘di man po ay kahit isa lang at kung ‘di po ninyo makakaya na mag-sponsor ay amin po’ng ikagagalak na maikalat po ninyo ang balita tungkol sa pagkilos na ito nila Nique at Nira. :)
Maraming salamat po.

35 taon

Sobrang lampas na sa kalendaryo, pero ‘di mo rin maramdaman. Madami na dumaan na pagsubok, marami din naman ang pagpapala. Salamat sa mga bumati, maaga man, eksakto or huli. Higit sa lahat napakasaya ng pribadong pagdidiwang na aming ginawa dahil mas naging makabuluhan ang nadagdag na taon. :)

Natapos din ang spam

Well, at least natapos na spam attacks sa Friendster blogs. Spam na lang sa Friendster profiles ang kailangang matugunan ng management. :)
Kumusta naman kami? Bakasyon mga bata, tuloy trabaho ni misis at patuloy ang aking pagiging maybahay habang patuloy din ang pagsisigsa sa pag-aaral. May na-meet ako na evaluation expert this week. Mukhang back to scratch ako. Tignan ko kung maisulat ko pa kung bakit, kung ‘di man bisita na lang kayo sa blogsite ko re pag-aaral ko. :D

Sa susunod na taon ay boboto ang karamihan ng Pinoy para sa susunod na Pangulo ng bansa at iba pang pambansang posisyon gaya ng senador, kinatawan atbp. Mahigit 1 milyon ang Pinoy na nasa ibang bansa at salamat sa batas na bahagya pa rin naipasa, ang RA 9189 or The Overseas Absentee Voting Act of 2003, makakaboto tayong mga Pinoy na wala sa Pinas

Kung malapit kayo sa isang konsulada o embahada ng Pilipinas, maari po kayong magrehistro hanggang 31 ng Agosto 2009. Heto po ang mga kailangan:

Ang mga dating Pinoy po na muling naging Filipino sa pamamagitan ng dual citizenship ay kinakailangan pong magdala ng papeles na patunay na may dual citizenship po sila. Para sa mga maglalayag ay kailangan po nilang dalhin ang kanilang seafarer’s book.

Kamakailan po ay kinontak ko ang embahada natin dito sa Australia at kanila pong sinabi na kung makakahikayat po ako ng mga 200 Pinoy para magrehistro ay sila mismo ang pupunta dito sa Perth para ayusin ang pagproseso ng ating aplikasyon.

Kung gusto po ninyo mapabilang sa 200 na ito ay mag-iwan po kayo ng komento o i-email po ninyo ako sa blogbastic (at) gmail.com iwan po ninyo ang inyong mobile phone number para masigurado ko po na tunay na tao po kayo. :)
Maari din po kayo makipagugnayan kay G. Gerald Donnelly, ang konsul general natin dito sa Perth.

Magrehistro at mapabilang! :D

Older Posts »